Italian consultant ng Napocor patay sa ambus
November 20, 2002 | 12:00am
CAVINTI, Laguna Tinambangan at napatay ang isang Italyanong consultant ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa Caliraya, Butucan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagmamaneho ng service vehicle patungong bayan ng Cavinti kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Sr. Insp. Walter Esguerra, hepe ng pulis-Cavinti, ang biktima na si Dario Patrizi, 61 at residente ng Paizen-Sun Hotel sa Sampalukan, Pagsanjan, Laguna.
Hindi naman nasugatan ang dalawang Pinoy at dayuhan na pasahero ni Patrizi sakay ng service vehicle na Nissan Terrano (WAH-386) at pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan.
Naganap ang pananambang bandang alas-2:30 ng hapon at kasalukuyang sinisiyasat ang convoy na co-worker ng biktima na si Domingo Dicandia, 56, isang Italyano rin at chief mechanic ng Napocor.
Blangko pa rin ang mga imbestigador sa naganap na krimen dahil sa walang lumantad na saksi sa pangyayari sa takot na madamay. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 21 hours ago
By Cristina Timbang | 21 hours ago
By Tony Sandoval | 21 hours ago
Recommended