Tangkang pagpapasabog ng cellsite napigilan
November 19, 2002 | 12:00am
Napigilan ng mga elemento ng Pulis-Antipolo ang tangkang pambobomba ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa multi-milyong satellite ng Globe Telecoms Inc. sa lungsod kamakalawa.
Itoy matapos ang maagap na pagreresponde ng mga awtoridad bunsod ng natanggap na intelligence report na maglulunsad ng opensiba ang mga rebelde sa satellite transmitter ng Globe Telecoms Inc.
Ayon kay Antipolo City chief of Police, P/Supt. Jose Dayco, agad siyang nagdispatsa ng mga tauhan upang bantayan ang tatlong transmitter tower ng Globe na nakabase sa lungsod.
Namataan ang presensiya ng mga nagpapatrulyang pulis kaya agad na nagsiatras ang mga rebelde pabalik sa pinagkukutaan ng mga ito sa kabundukan.
Ayon kay Dayco, bagaman napigilan ang masamang tangka ng mga rebelde na kung nagkataon ay isa na namang dagok sa ekonomiya ng bansa ay nananatili pa rin banta sa seguridad ang komunistang kilusan kayat pinaigting ang pagiging vigilante laban sa mga ito.
Napag-alaman pa na palagi umanong namamataan ang mga rebelde ng ilan nilang civilian assets na gumagala sa pamilihang bayan at maging sa bisinidad ng ilang mga instalasyon ng gobyerno.
Inihayag pa ni Dayco na malaki ang naitulong ng ilang mga concerned citizen na nakipagtulungan sa mga awtoridad kaugnay ng anti-terrorism campaign. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest