Tulak itinumba ng vigilante

TALAVERA, Nueva Ecija -- Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mister na pinaniniwalaang kilabot na drug pusher ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan na pinalalagay na kasapi ng vigilante group habang ang biktima ay nakikipag-inuman sa Brgy. Pulong sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Dr. Paulino J. Garcia Extension Hospital si Leopoldo C. dela Cruz, 44 at nakalagay sa listahan ng pulis-Talavera na isang kilalang drug pusher.

Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Peter Torrres, hepe ng pulisya sa bayang ito, nagtungo ang tatlong hindi kilalang lalaki sa pinag-iinuman ng alak ng biktima upang kunin ang baril nito ngunit mariing tumangging ibigay hanggang sa patahimikin na lamang sa hindi maipaliwanag na dahilan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments