Nene ginahasa, pinatay saka itinapon sa ilog

SAN LORENZO RUIZ, Camarines Norte –Pinaniniwalaang napagtripang gahasain at patayin ang isang 11-anyos na batang babae ng hindi pa kilalang lalaki na adik sa droga bago itinapon ang biktima sa ilog malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Laniton sa bayang ito kamakalawa.

May palatandaang pinahirapan muna si Ghielyn Aspe matapos na matagpuan ng mga residente sa ilog ng Linawan Sapa may ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay bandang alas-9 ng umaga.

Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Florencio Magundayao, provincial police director, bago maganap ang pangyayari ay nagpaalam ang biktima sa kapatid na hindi muna matutulog sa bahay nila noong Biyernes at pinalalagay na inabangan ng adik na lumabas saka sinundan hanggang sa isagawa ang karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments