4 rebelde dedo sa labanan

Apat na rebelde na kasapi ng Revolutionary People’s Army (RPA) ang nasawi makaraang makaengkuwentro ang pinagsanib na puwersa ng mga kawal ng Phil. Army at pulisya malapit sa bayan ng San Roque, Pampanga kamakalawa ng hapon, ayon sa ulat ng militar.

Sinabi ni Major General Alberto Braganza, regional army chief, nagsimula ang sagupaan noong Sabado ng hapon habang nagsasagawa ng patrolya ang mga awtoridad sa naturang lugar.

Narekober ng militar ang apat na malalakas na kalibre ng baril habang hindi pa nakikilala ang mga napatay na rebelde na breakaway faction ng New People’s Army (NPA) na inilagay sa listahan ng pamahalaan ng US at Europa na grupo ng terorista.

Show comments