COA, NBI pasok sa P 129-M land scam

CALAMBA CITY, Laguna Hiniling kahapon ng iba’t ibang grupo at ilang konsehal sa pamunuan ng Commission on Audit (COA) at National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa napaulat na P129-milyong land scam.

Kabilang sa kuwestyonableng transaksiyon ay ang panibagong proyekto sa pagpapatayo ng bagong city hall sa Barangay Lecheria, Real na pinondohan ng P729-milyon ngunit ang lupain na bibilhin ay may kasalukuyang problema.

Pinabulaanan naman ni City Mayor Severino Lajara ang ulat na may naganap na anomalya sa nakatakdang pamimili ng lupaing pagtatayuan ng city hall. (Ulat ni Lourdes R. Principe)

Show comments