Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang mga suspek na sina Rogelio Ibañez, 33, ng Paliparan, Dasmariñas, Cavite; Fernando Amparo, 29; Rolando Famy, 23; George Butuin, 24 at Wilma Vicente, 18, ng Coastal Road, Parañaque City.
Napag-alaman kay Wycoco na kinontak ng pangunahing suspek na si Juliet Atillano ang mga nadakip upang patayin sina Melanie G. Tablit, 33 at Joan C. Tindugan, 24, ng Greenwood Executive Village, Pasig City noong Hulyo 18, 2002 sa halagang P1-milyon.
Dahil sa nakatakas ang isa sa kasamahang katulong naipagbigay sa kinauukulan ang pangyayari ay pinatay na lamang ang dalawa.
Ayon pa sa ulat ng NBI, itinapon ang bangkay ng dalawa sa madamong lugar sa nabanggit na bayan upang maitago ang krimen ngunit may mga nakasaksi sa pangyayari.
Kaya nagsagawa ng follow-up operation ang mga ahente ng NBI at dahil sa impormasyong nakalap ay kaagad naman nadakip ang lima. (Ulat ni Grace dela Cruz)