Sa nakarating na ulat sa Camp Crame, naitala ang pagsalakay ng mga rebelde bandang alas-4:15 ng madaling-araw sa pamumuno ni Dindo Monsanto, alyas Ka Buddy ng Front 83 South ng NPA.
Kaagad na hinanap ang imformation officer ni Kho na si Vicente Gonzales at pinilit na ituro ang lihim na tunnel ngunit walang maibigay na impormasyon.
Gayundin ang ginawa ng mga rebelde sa katiwalang si Toto Tamayo sa ektaryang lupain ng gobernador ngunit wala namang maituro dahil sa pawang ilusyon lamang ang pinaniniwalaang nakalap ng mga rebelde sa naturang lihim na tunnel.
Makaraan ang dalawang oras ay lumisan na ang mga rebelde at nagbanta sa mga nakatira sa rest house na muli silang babalikan kaya pinabantayan na sa mga awtoridad upang hindi na maulit ang paglusob ng NPA. (Ulat ni Danilo Garcia)