^

Probinsiya

Rest house ng Masbate governor sinalakay ng NPA

-
Inatake ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang rest house ni Masbate Governor Antonio Kho makaraang mabalitaan na may itinatagong tunnel na naglalaman ng malaking kayamanan sa Brgy. Madbad, Cawayan, Masbate kamakalawa ng madaling-araw.

Sa nakarating na ulat sa Camp Crame, naitala ang pagsalakay ng mga rebelde bandang alas-4:15 ng madaling-araw sa pamumuno ni Dindo Monsanto, alyas Ka Buddy ng Front 83 South ng NPA.

Kaagad na hinanap ang imformation officer ni Kho na si Vicente Gonzales at pinilit na ituro ang lihim na tunnel ngunit walang maibigay na impormasyon.

Gayundin ang ginawa ng mga rebelde sa katiwalang si Toto Tamayo sa ektaryang lupain ng gobernador ngunit wala namang maituro dahil sa pawang ilusyon lamang ang pinaniniwalaang nakalap ng mga rebelde sa naturang lihim na tunnel.

Makaraan ang dalawang oras ay lumisan na ang mga rebelde at nagbanta sa mga nakatira sa rest house na muli silang babalikan kaya pinabantayan na sa mga awtoridad upang hindi na maulit ang paglusob ng NPA. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DINDO MONSANTO

KA BUDDY

MASBATE GOVERNOR ANTONIO KHO

NEW PEOPLE

TOTO TAMAYO

VICENTE GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with