^

Probinsiya

AFP chaplain itinumba o nag-suicide?

-
SAN PEDRO, Laguna - Naging malaking palaisipan sa mga imbestigador ng pulisya ang pagkamatay ng chaplain ng Philippine Air Force makaraang matagpuang may tama ng bala ng baril sa sintido sa loob ng sarilng tindahan kahapon ng madaling-araw sa Florentino Street, Chrysanthenum Village sa bayang ito.

Isinugod pa sa Family Care Hospital ang biktimang si Rev. Fr. Major Fortunato Ibasco ng kanyang dalawang kapatid ngunit idineklarang patay.

May teorya ang mga imbestigador na ang 43-anyos na biktima na nakatalaga sa Villamor Air Base, Pasay City ay nag-suicide o aksidenteng nabaril ng hindi pa nakikilalang salarin dahil natagpuan ang baril na ginamit sa krimen sa tabi ng bangkay.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga kamag-anak ng bikitma sa mga imbestigador ngunit sinabi ni Leila Hermosa, katulong ng chaplain na bago pa makarinig siya ng putok ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang isang alyas Manette Ibasco at Fr. Fortunato sa loob ng bahay.

Nanatiling nakatulala si Manette na pinaniniwalaang nasa kinaganapan ng krimen.

Hinihintay naman ng pulisya ang resulta ng paraffin test sa dalawang kamay ng biktima mula sa Camp Vicente Lim, Calamba City upang madetermina kung nagpaputok ng baril.

Base sa inisyal na nakalap na impormasyon ng pulisya, ang biktima ay right-handed at hindi makapaniwala na magbaril ang chaplain sa kaliwang sintido ng kanyang kanang kamay. (Ulat ni Rene Alviar)

CALAMBA CITY

CAMP VICENTE LIM

CHRYSANTHENUM VILLAGE

FAMILY CARE HOSPITAL

FLORENTINO STREET

LEILA HERMOSA

MAJOR FORTUNATO IBASCO

MANETTE IBASCO

PASAY CITY

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with