Tsinoy dudukutin, kidnaper dedo sa mga pulis
November 5, 2002 | 12:00am
MABALACAT, Pampanga Isa sa limang kasapi ng kidnap-for-ransom gang ang iniulat na nasawi makaraang makipagbarilan sa mga tauhang Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) at pulis-Mabalacat sa Barangay Dau sa bayang ito kahapon.
Kinilala ang napatay na suspek sa alyas na Ramil Jimboy, may sapat na gulang at miyembro ng Bucala kidnap-for-ransom gang, samantala, ang limang kasamahan ay nagpulasan sakay ng van na walang plaka makaraang makatunog na may nagmamatyag na mga awtoridad.
Sa inisyal na ulat na isinumite kay P/Supt. Keith Singiang, hepe ng Mabalacat police station, may ilang linggo na ring isinaila-lim sa pagmamatyag ang grupo dahil sa pagkidnap sa isang trader sa La Union noong nakalipas na buwan.
Ayon sa ulat ng pulisya, si Jimboy ay nakatayo sa harap ng opisina ng Datelcom Telecom Company na pag-aari ni Anthony Dee at pinalalagay na planong kidnapin ng grupo ang naturang negosyante.
Sinabi pa ni Singiang na hinihintay na lumabas ng opisina ang nabanggit na negosyante nang makatunog ang grupo ng mga kidnaper na pinatiktikan na sila ng pinagsanib na puwersa ng PACER at pulis-Mabalacat kaya mabilis na lumayo ngunit naiwan si Jimboy at nakipagbarilan hanggang sa mapatay bandang ala-1 ng hapon. (Ulat ni Pesie Miñoza)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended