Si Jessie Sanchez, 21, binata ng 6-A 7th St. Brgy. Mariana, Cubao Quezon City ay tinamaan ng bala ng sumpak mula sa nag-amok na hindi kilalang lalaki na mabilis naman tumakas.
Samantala, nasa J.P. Hospital ang malubhang nasugatan na sina Emerson Sanchez, 16 at Carlito Pelleses, 55, balasador sa saklaan at naninirahan sa Tulay Bitin, Brgy. Paliparan 3 sa bayang ito.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Edgardo Gallardo, naitala ang krimen bandang alas-2:10 ng madaling-araw habang nasa kasagsagan nang pagsusugal ang mga naglalamay sa burol ng patay at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nagwala ang hindi nakilalang adik. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)