Mag-asawa inambus, ginang patay
November 3, 2002 | 12:00am
AROROY, Masbate Pinalalagay na alitan sa lupain ang naging ugat ng kamatayan ng isang 28-anyos na misis, samantala, ang mister nito ay malubhang nasugatan makaraang tambangan ng hindi kilalang armadong lalaki habang ang mag-asawa ay patungo sa sementeryo kamakalawa ng gabi sa Barangay San Isidro sa bayang ito.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Sacred Heart Clinic si Josie Geris, samantala, nasa kritikal na kondisyon naman ang asawang si Jesus Geris, 30 at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Naganap ang krimen bandang alas-7 ng gabi habang naglalakad ang mag-asawa patungo sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.
May teorya ang pulisya na may matinding galit sa mag-asawa ang killer kaya nagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest