^

Probinsiya

3 lider ng Pentagon nasakote

-
CAMP SIONGCO, Maguindanao – Tatlong lokal na lider ng Pentagon kidnap-for-ransom gang ang iniulat na nasakote ng Army’s 27th Infantry Battalion makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng mga suspek sa Brgy. Dumadaling, Tantangan, South Cotabato kamakalawa.

Hindi naman nakapalag pa ang mga suspek na sina Abbix Salipada, Abdulla Disalao at Usman Disalao dahil sa natunugang nakapaligid na ang tropa ng militar sa kanilang safehouse sa nabanggit na barangay at pinakitaan sila ng warrant of arrest.

Ayon kay Army Major Julieto Ando, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division, ang tatlo ay responsable sa pagdukot sa mayamang mag-asawang negosyante mula sa M’lang, North Cotabato.

Aniya, ang tatlo ay tauhan ng kilabot na chieftain ng Pentagon na si Tahir Alonto na may patong sa ulo ng P5-milyon.

Positibo namang kinilala ng mga testigo ang tatlo na dumukot sa mag-asawang negosyante, drayber nito at nurse habang patungo sa General Santos City sakay ng Mercedez Benz van may apat na buwan na ang nakalilipas.

Nailigtas naman ng mga nagrespondeng pulis at militar ang mga biktima sa tulong na rin ni North Cotabato Governor Emmanuel Piñol at South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes. (Ulat ni John Unson)

ABBIX SALIPADA

ABDULLA DISALAO

ARMY MAJOR JULIETO ANDO

GENERAL SANTOS CITY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOHN UNSON

MERCEDEZ BENZ

NORTH COTABATO

NORTH COTABATO GOVERNOR EMMANUEL PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with