2 obrero patay sa ambus
October 31, 2002 | 12:00am
CAMP NAKAR, Lucena City Dalawang lalaki na pinaniniwalaang empleyado ng Ramar Agency ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan saka ninakawan ng hindi nabatid na halaga habang ang dalawa ay bumabagtas sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng national highway na sakop ng Brgy. Concepcion Uno sa Sariaya, Quezon.
Kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Joselito J. Halili, 40 ng Brgy. Isabang, Tayabas, Quezon at Efren de Cruz na drayber ng motorsiklo (DP-5653) na magde-deliver sana ng pakete patungong Candelaria, Quezon.
Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Mario Barbacena, hepe ng pulisya sa bayang ito, naitala ang krimen bandang alas-5:15 ng hapon matapos harangin ang dalawa ngunit aktong papatakas ang mga biktima ay kaagad na pinaputukan na ikinasawi ng mga biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest