Brgy. chairman, sundalo dinedo
October 31, 2002 | 12:00am
Pinalalagay na matinding galit ang nagbunsod sa dalawang lalaki upang itumba ang isang barangay chairman at sundalo sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Capiz at Iloilo kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawing biktima na sina Perlicito Dalatacon, 62, barangay chairman ng Capay-Capay, Duenas, Iloilo at Philippine Army Sgt. Antonio Vecido, 38, ng Brgy. San Sebastian, Pilar, Capiz.
Samantala, ang dalawang suspek na ngayon ay nakakulong ay nakilalang sina Gilcito Bacanto, 55 at Olipio Abrera, 45 ng Duenas, Iloilo.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ni Abrera si Dalatacon sa loob ng bahay habang nanonood ng telebisyon bandang alas-6:30 ng gabi.
Kasunod nito ay pinasok naman ang bahay ni Vecido bandang alas-5:30 ng umaga saka pinaputukan ng shotgun ni Bacanto habang nagbibihis sa loob ng kuwarto. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest