ASG bomb suspect pinatakas ?

Masusing pinaiimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y pagkakatakas ng isa sa tatlong Abu Sayyaf bomb suspect matapos na madiskubreng nawawala ito sa kanyang kinapipiitang selda sa Alabel, Saranggani.

‘‘Heads will roll if we found out that there is laxity on the part of our duty guard. The case is still under investigation,’’ pahayag ni P/Chief Supt. Jose Dalumpines, Director ng Police Regional Office (PRO) 12.

Kinilala ang nakapugang ASG bomber na si Abdul Basit Usman, 28 anyos ng Brgy. Bentong, Polomolok, South Cotabato.

Base sa rekord ng pulisya si Usman ay isa sa mga suspect sa pagpapasabog sa Fitmart Malls sa General Santos City noong nakalipas na Abril 21 ng taong ito na ikinasawi ng 15 katao habang tinataya namang kulang-kulang pa sa 100 ang nasugatan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments