Barangay tanod pinugutan ng kainuman
October 24, 2002 | 12:00am
TRECE MARTIREZ, CITY Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 52-anyos na barangay tanod matapos pugutan ng kanyang kainuman dahil sa pagtatalo sa panabong na manok kamakalawa ng hapon sa Barangay San Agustin, Putok 2 sa lungsod na ito.
Bukod sa nawalan ng ulo ay nagtamo rin ng maraming sugat likha ng itak ang biktimang si Augosto Panganiban, may asawa, samantala, ang suspek na mabilis tumakas matapos isagawa ang krimen bandang ala-1:30 ay nakilalang si Gregorio Boctot, 50, may asawa, construction worker at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Cornelio Bugayong, lango na sa alak ang dalawa at dahil sa pagtatalo sa panabong na manok ay nairita ang senglot na suspek kaya pinagtataga na lamang ang biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 13 hours ago
By Cristina Timbang | 13 hours ago
By Tony Sandoval | 13 hours ago
Recommended