Lalaki may dalawang kasarian?
October 24, 2002 | 12:00am
VALENCIA CITY May misteryong bumabalot sa katauhan ng isang 23-anyos na lalaki mula sa Bukidnon City makaraang lumantad sa publiko noong Miyerkules upang humingi ng tulong dahil sa taglay niyang dalawang kasarian.
Itinago sa pangalang Andoy ang nagbulgar sa kanyang katauhan dahil sa kakaibang nararamdaman niya sa ibang kabataan simula pa noong siya ay bata.
Sa salaysay ni Andoy, nagsimulang lumaki ang kanyang boobs na katulad ng pangkaraniwang babae ngunit ang kanyang katawan ay hugis lalaki maliban dito ay boses babae ang lumalabas kapag nagsasalita siya.
Bukod sa mga nabanggit ni Andoy na may taas na 54 ay ibinunyag niya na may dalawa siyang kasarian ngunit nanatili ang pakiramdam niyang lalaki at hindi binabae o bakla.
Inamin ni Andoy na nagkaroon siya ng tatlong nobya at ipinagtapat sa ikatlong kasintahan ang kanyang pagkatao kaya nagkahiwalay sila.
Sa kasalukuyan ay ibig ni Andoy na mabuhay ng normal kaya nga lumantad siya sa publiko upang mabigyan siya ng medical attention.
Sinabi naman ni Dr. Remedios Ortigosa, acting regional director ng DOH sa Northern Mindanao na kinakailangang sumailalim siya sa physical examination upang kumpirmahin at mabigyan ng tulong.
Idinagdag pa ni Dr. Ortigosa na umiiwas lamang sila sa nakaraang pangyayari na katulad noong 1990s na may lumantad na binabaeng buntis mula sa Malaybalay, Bukidnon at umakit ng libu-libong mamamahayag na nagmula pa sa ibat ibang bansa upang makakuha ng exclusive na ulat pero biglang naglahong parang bula si Carlo matapos na makakuha ng libong dolyares. (Ulat ni Bong D. Fabe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest