6 NPA tiklo sa mga pekeng bara ng ginto
October 18, 2002 | 12:00am
FORT MAGSAYSAY, Palayan City Anim na kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng rebeldeng New Peoples Army ang iniulat na dinakip ng mga awtoridad makaraang maaktuhang nagbebenta ng pekeng barang ginto sa mga negosyante sa Brgy. Calumpang, Mabalacat, Pampanga kamakalawa.
Sa nakarating na ulat kay Major General Alberto Braganza, commanding general ng 7th Infantry Division ng Phil. Army, kinilala ang mga suspek na rebelde na sina Jomar dela Cruz, Pedro dela Cruz, Bernard Sumawang, Ashley Sumawang, Armando Ocampo at Bernie dela Cruz.
Ayon sa ulat, ang mga rebelde ay nasakote ng mga tauhan ni 2nd Lt. Ariel Imban at T/Sgt. William Pagaduan ng 59th Infantry Battalion ng Phil. Army at nakumpiska ang kalibre .45, .38 na baril at walong shotgun. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest