^

Probinsiya

Bolahan ng jueteng isinasagawa sa ambulansiya

-
MALOLOS, Bulacan — Pinatawan ng bitay ang isang misis makaraang mapatunayang kasabwat sa pagkakapatay sa kanyang mister at biyenan noong Mayo 19, 1998 sa bayan ng Pandi, Bulacan.

Sa 29-pahinang desisyon ni Malolos Regional Trial Court Judge Gregorio S. Sanpaga ng Branch 78, si Florenda A. Castro, 51, ay napatunayang sangkot sa pagpatay sa sariling mister na si Alfredo Castro at biyenang si Elpidio Castro.

Samantala, hinatulan din ng bitay si Christopher Talita dahil siya ang bumaril at nakapatay sa mag-amang Castro noong gabi ng Mayo 19, 1998.

Si Talita na kasama si Florenda na isinagawa ang krimen ay kasalukuyang nakapiit sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City sa kasong murder at nahatulan na ng habambuhay ng korte sa Manila.

Bukod sa hatol na bitay ay pinagbabayad ng korte ang dalawang akusado ng P.3 milyon bilang bayad pinsala sa naulila ng mga biktima at P.4 milyon bilang bayad sa nagastos sa pagdinig ng kaso.

Base sa record ng korte, pinagbabaril ni Talita ang mag-ama dakong alas-7 ng gabi at tumakas sakay ng hindi nabatid na sasakyan kasama ang asawa ni Alfredo na positibong may nakakitang testigo.

Napag-alaman pa sa korte na matagal nang hindi nagsasama sina Florenda at Alfredo dahil sa problemang pinansyal.

Makaraan ang masusing pag-aaral sa mga isinumiteng ebidensya ng pulisya laban sa dalawa ay hinatulang mabitay dahil sa naganap na krimen. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ALFREDO

ALFREDO CASTRO

BULACAN

CHRISTOPHER TALITA

EFREN ALCANTARA

ELPIDIO CASTRO

FLORENDA

FLORENDA A

MALOLOS REGIONAL TRIAL COURT JUDGE GREGORIO S

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with