^

Probinsiya

2 NPA kumander patay sa engkuwentro

-
GENERAL TRIAS, Cavite — Dalawang kumander ng rebeldeng New People’s Army mula sa Southern Tagalog Region na pinaniniwalaang balak itumba ang alkalde ng Magallanes ang iniulat na napatay sa naganap na pakikipagbarilan sa puwersa ng pulis-Cavite at tropa ng militar sa kahabaan ng Governor’s Avenue, Barangay Manggahan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga rebeldeng napatay na sina Jose Aquiza, alyas Ka Morris at Ariel Hernandez, alyas Ka Enteng,samantala, nasugatan sa engkuwentro si Capt. Ramon Borromeo ng Armed Forces of the Phils. Intelligence Task Force Unit. Ang dalawa ay kapwa mula sa Trece Martirez City, Cavite at bumaba lamang upang mangalap ng impormasyon bago napatay.

Base sa ulat, si Aquiza ay NPA kumander sa Southern Tagalog, samantala, si Hernandez naman ay vice kumander sa Region 4 na pinaniniwalaang may mga kasamahan pang aabot sa dalawampung rebelde.

Nabatid sa ulat na si Aquiza ay responsable sa pagpatay kina Tanauan, Batangas mayor Cesar Platon, Cagayan Rep. Rodolfo Aguinaldo at Quezon Rep. Marcial Punzalan.

Sa nakarating na ulat kay P/Senior Supt. Samuel Pagdilao, Cavite police provincial director, naitala ang engkuwentro bandang alas-11:35 ng gabi sa itinayong checkpoint ng mga awtoridad.

Idinagdag pa ni Pagdilao na nakatanggap sila ng impormasyon na lulusob ang mga rebelde sa Cavite at planong likidahin ang ilang matataas na opisyal ng lokal na pamahalaan ng nabanggit na lalawigan, partikular ang mga alkalde at barangay chairman kaya ipinag-utos niyang magtayo ng checkpoint sa maseselang lugar na maaring pagdaanan ng mga rebelde.

May palagay ang mga awtoridad na kasalukuyang nasa kagubatan ng Cavite ang mga kasamahan ng dalawang napaslang na NPA kumander at naghihintay na makatiyempo na maghasik ng karahasan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AQUIZA

ARIEL HERNANDEZ

ARMED FORCES OF THE PHILS

BARANGAY MANGGAHAN

CAGAYAN REP

CAVITE

CESAR PLATON

CRISTINA GO-TIMBANG

INTELLIGENCE TASK FORCE UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with