P4-M luxury vehicles na balak ipuslit nasabat
October 17, 2002 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Tinatayang aabot sa halagang P4-milyon ang dalawa sa apat na luxury vehicles na pinaniniwalaang tangkang ipuslit palabas ng Subic Bay Freeport ang nasabat ng mga tauhan ng Enforcement and Security Service ng Bureau of Customs (BoC) makaraang abandonahin sa garahe ng Legenda Hotel sa naturang lugar.
Sinabi ni Lt. Arlon Alameda, deputy chief for operations ng Enforcement and Security Service na walang maipakitang kaukulang papeles ang kompanya ng Good Sources, Inc. sa nadiskubreng 2 luxury vehicles na may plakang 19991 at 19992.
Napag-alaman kay Customs Collector Emelito Villaruz na ang nabanggit na kompanya na bilang locator ay ipinahinto na ang operasyon simula pa noong Hulyo 2002.
Nakatakda namang dalhin sa Auction and Cargo Disposal Unit (ACDU) ng Bureau of Cutoms ang dalawang sasakyan upang pakinabangan ng gobyerno. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest