Di nagbayad ng balut, ex-Army tinodas

ANTIPOLO CITY, Rizal – Isang dating sundalo ng Philippine Army ang iniulat na napatay makaraang saksakin ng kanyang kapitbahay na tindero ng balut dahil sa hindi pagbabayad ng biktima sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Antipolo Doctor’s Hospital si Rosellar Banan, 36, ng Molave St. Antipolo Hills, Brgy. San Luis, samantala, ang suspek na kaagad namang tumakas ay nakilalang si Benigno Metante, 30, ng naturang ding lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jesus Magno, naitala ang krimen bandang alas-6 ng gabi makaraang mairita ang biktima sa hindi pagpapautang ng tindang balut ni Metante kaya nagawa siyang suntukin ngunit gumanti naman ng saksak ang suspek na ikinasawi ni Banan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments