Forum ni Sec. Lina binoykot ng 48 alkalde
October 14, 2002 | 12:00am
DAGUPAN CITY Naging mistulang pangkaraniwang mamamayan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jose "Joey" Lina matapos magtungo sa Pangasinan upang magsalita sa ginanap na forum ngunit hindi sumipot ang apatnaput walong alkalde mula sa ibat ibang bayan ng naturang lalawigan.
Ang pag-boycott ng mga alkalde sa forum ni Secretary Lina na inorganisa ng pamunuan ng simbahang Baptist ay pagpapahayag ng pagkadismaya ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan partikular na ang kapulisan at ang mahigpit na pagpapatupad ng kautusan laban sa illegal na sugal na jueteng.
Napag-alaman na sinalubong lamang ng tatlong lokal na opisyal ng pamahalaan si DILG Sec. Lina makaraang dumating sa gaganapin sanang forum ng mga alkalde sa naturang lalawigan.
Kabilang sa sumalubong kay Sec. Lina ay sina Dagupan Mayor Benjamin Lim at dalawang konsehal na sina Jose Netu Tamayo at Vladimir Mata.
Sa naging pahayag ni Sto. Tomas Mayor Antonio "Bebot" Villar Jr, dating mayor at lider ng Pangasinan Mayor League (PML) na kinakailangang pagtuunan ni Sec. Lina ang ginawang pag-boycott ng mga alkalde kabilang ang mga bise alkalde sa forum.
Sinabi pa ni Villar na may malaking problemang kinakaharap ngayon ang Pangasinan at ito ay ang paglala ng krimen partikular na ang droga at kidnapping.
Ayon pa kay Villar na wala namang namatay sa jueteng ngunit sa droga ay unti-unting pumapatay sa mga kabataan.
"Kailangang magbigay naman ng alternatibong livelihood sa mga residente ng Pangasinan si Sec. Lina kapalit ng pagpapatigil sa sugal na jueteng na tanging pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mamamayan," ani 2nd District Rep. Amado Espino Jr. (Ulat ni Eva de Leon)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended