7 sundalong suspek sa pagpatay sa estudyante kinasuhan
October 13, 2002 | 12:00am
STO. DOMINGO, Albay Pormal na sinampahan ng kasong murder ang pitong sundalo ng Phil. Army na responsable sa pagkakapatay sa isang college student noong Martes, Oktubre 1, 2002 sa Mayon Spring Resort sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga sinampahan ng kasong murder na sina Sgt. Alex Estacio, 1Lt. Romeo Siang, M/Sgt. Wilfredo De Guzman, M/Sgt. Mario Velasco, T/Sgt. Vicente Ganaban Jr., Sgt. Porthos Reyes at Sgt. Jaime Onguit na pawang nakatalaga sa 2nd Infantry Division, medical team sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal.
Ayon sa ulat ng pulisya, si Sgt. Estacio ay isinuko ni Capt. Jeminiano Naredo, commanding officer ng MP Coy 2nd Infantry Division sa Sto. Domingo police station, samantala, ang iba pang sundalo ay nasa custody ng 2nd Infantry Division ng Phil. Army sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal.
Magugunitang naganap ang krimen sa nabanggit na beach resort habang nagdaraos ng birthday party ang grupo ng biktimang si Joel Asejo, 20, 4th year college sa Bicol University sa Legazpi City.
Nairita umano ang mga sundalo sa likhang ingay ng grupo ni Asejo kaya pinagtulungan gulpihin ang mga kaibigan ng biktima hanggang sa barilin at mapatay ang estudyante saka mabilis na nagsitakas ang mga suspek sakay ng ambulansiyang walang plaka. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest