Kinumpirma ito ni P/Sr. Supt. Mario Sandiego, Tarlac police provincial director makaraang mabulgar ang paghahasik ng lagim ng Islamic extremists na tinaguriang Rajah Solaiman Revolutionary Committee (Rsrc) na bombahin ang ilang establisimyento sa Tarlac City noong Labor Day.
Ayon pa kay Sandiego, noong Mayo 1, nakasagupa ng kanyang mga tauhan ang pitong kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng Haraka, isang Al-Qaeda terrorist network na ikinasawi ng isa na si Khalid Amir Trinidad at pagkakadakip naman ng kasamahan nitong si Dexter Omar Mayuno.
Inamin ni Mayuno sa mga awtoridad na ang kanyang grupo ay bahagi ng Rsrc na pinopondohan ng Al-Qaeda ni Osama Bin Laden at may base sa Anda, Pangasinan.
Sinabi pa ni Mayuno na may training ground ang kanilang grupo sa Sitio Dueg at Babaelan sa Brgy. Maasin sa San Clemente, Tarlac.
Nagsagawa naman ng pagsalakay ang mga awtoridad sa sinabing kampo ni Mayuno na nagresulta upang madakip ang walong terorista kabilang na sina Abdurakman Abdul Quirante mula sa Basilan at SheiK Hamod isang Saudi national.
Kaagad namang nakapagpiyansa ang mga nadakip na terorista dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya.
Pinalalagay ng mga awtoridad na ang mga nadakip at nakapagpiyansa ay tumulong na mailipat ang kanilang base sa Bulacan mula sa Tarlac at Pangasinan. (Ulat ni Benjie Villa)