Sulyap Balita
October 8, 2002 | 12:00am
Limang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni SPO1 Walter Mendoza ng Purok Masinadyahon, Brgy. Guinhalaran ng nabanggit na lugar.
Sa nakarating na ulat kahapon sa Camp Crame, naitala ang krimen bandang alas-4 ng madaling-araw habang umiinom ng alak ang biktima. Pinalalagay na nasa loob din ng naturang bar ang mga killer at namataan ang pulis na nakabangga nito kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)
Kasalukuyang inaalam ng mga imbestigador ang naging motibo ng pamamaslang kay Napoleon Buaquena, 39, may asawa, magsasaka ng naturang barangay.
Samantala, ang mga killer na sakay ng L300 van na walang plaka ay mabilis na nagsitakas matapos isagawa ang pananambang dakong alas-8:30 ng umaga. Hindi na inabutan ng mga nagrespondeng pulisya ang sasakyan ng mga killer dahil sa bilis ng pangyayari. (Ulat ni Ed Casulla)
Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Margarita, samantala, ang mga inakusahang rapist na ngayon ay nakakulong sa police detention cell ay kinilalang sina Marion Villafuerte at Enrico Mantala na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naghihintay ang biktima ng masasakyan at nagkataon namang dumating ang trike ng dalawa at kinumbinsing sumakay na lamang ang dalaga ngunit pagdating sa madilim na bahagi ng naturang lugar ay isinagawa ang krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Animoy kinatay na hayop ang katawan ng biktimang si Roberto Renin ng Brgy. Zone 3, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ay nakilalang si Joan Serenas, binata ng Phase 5, Brgy. Old Bulihan.
Naitala ang krimen bandang alas-6 ng gabi matapos na tiyempuhan ng suspek ang biktima na nag-iisang naglalakad papauwi, ayon sa inisyal na pagsisiyasat ni PO1 Reyes.
Pinalalagay na naging magkaribal ang dalawa at nagtanim ng galit ang suspek kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 19 hours ago
By Doris Franche-Borja | 19 hours ago
By Jorge Hallare | 19 hours ago
Recommended