^

Probinsiya

5 NPA todas sa engkuwentro

-
CAMP AGUINALDO – Limang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na nasawi matapos ang panibagong sagupaan sa pagitan ng mga sundalo ng Philippine Army kahapon ng umaga sa lalawigan ng Pampanga.

Kasalukuyan pang inaalam ng militar ang pagkakakilanlan sa mga rebeldeng napatay sa engkuwentro samantala walang nalagas sa puwersa ng militar.

Sa ulat ni 7th Infantry Division chief, Maj. General Alberto Braganza, bukod sa mga nasawi, marami pa sa mga rebelde ang sugatang tumakas habang narekober naman sa scouring operation ang limang kalibre ng baril.

Nabatid na nakasagupa ng mga elemento ng 69th Infantry Battalion at Military Intelligence Company ang 15 rebelde sa kabundukan ng Brgy. Gandos, Mexico, Pampanga.

Tumagal ang sagupaan ng may 20 minuto hanggang sa umatras ang mga rebelde. Patuloy namang hinabol ang mga ito ng mga sundalo.

Kasalukuyang sinusuyod ng mga sundalo ng 7th ID ang kabundukan ng Central Luzon bilang pagtalima sa kautusan ni AFP Chief of Staff, General Benjamin Defensor noong Setyembre 29. (Ulat ni Danilo Garcia)

CENTRAL LUZON

CHIEF OF STAFF

DANILO GARCIA

GENERAL ALBERTO BRAGANZA

GENERAL BENJAMIN DEFENSOR

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MILITARY INTELLIGENCE COMPANY

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with