KFR lider nasakote
October 6, 2002 | 12:00am
Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na tuluyan ng nalansag ang isa pang grupo ng kidnap-for-ransom na nag-ooperate sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) dahil sa pagkakaaresto ng natitirang miyembro nito.
Ang suspek na iprinisinta ni Chief Supt. Enrique Galang, Regional Director ng Region 4 kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Bulwagang Kalayaan sa Villamor Airbase ay nakilalang si Jaime Reyes a.k.a. Jaime Singkol, miyembro ng De Ramos kidnap-for-ransom group.
Si Reyes ay nadakip ng mga miyembro ng Calabarzon Regional Intelligence Office (RIO) sa Brgy. Luksuhin, Alfonso, Cavite noong Oktubre 3, 2000.
Naglaan ang Philippine National Police ng P200,000 reward money sa pagkakahuli ni Reyes.
Personal namang binati ni Pangulong Arroyo si Gen. Galang at ang mga tauhan nito dahil sa pagkakadakip ni Reyes.
Ayon kay Gen. Galang, si Reyes ang pangunahing suspek sa pagkidnap kay Adelaida San Luis, isang mayamang negosyante noong April 14, 1996 sa Sta. Cruz, Laguna.
Habang nagtungo umano si Reyes sa Nueva Ecija, pinatay naman nito ang dalawang pulis na sina SPO2 Teodoro Mamasig at PO3 Gerardo Alvarez.
Ang suspek ay mayroon ding standing warrant of arrest sa kasong kidnap-for-ransom at serious illegal detention na ipinalabas ni Judge Zorayda Herradura ng Branch 26, 4th Judicial Region.
May warrant of arrest din si Reyes sa kasong two counts of murder na ipinalabas noong Agosto 22, 1997 na ipinalabas ni Judge Arturo M. Bernardo ng Branch 36, RTC 3rd Judicial Region, Gapan, Nueva Ecija.
Nagpalabas din ng warrant of arrest ang Municipal Trial Court ng Sta. Cruz, Laguna laban kay Reyes dahil naman sa kasong robbery noong Abril 25, 1996. (Ulat nina Butch Quejada/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended