Magkaibigan itinumba sa inuman

LIBON, Albay – Magkasabay na binawian ng buhay ang magkaibigang magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo habang ang mga biktima ay nag-iinuman ng alak sa Sitio Paclas, Brgy. Zone 4 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi nabatid na bilang ng tama ng bala ng M-16 assault rifle ang tumapos sa buhay nina Osias Arevalo, 51 at Manuel Bucad, 45, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Naitala ang krimen bandang alas-6:40 ng gabi habang magkakasamang nag-iinuman ng alak sa labas ng bahay ni Arevalo kasama ang ilang kaibigan nang dumating ang mga armadong kalalakihan saka isinagawa ang krimen sa hindi pa mabatid na dahilan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments