Itoy matapos na mamataan ang tinatayang 40 armadong miyembro ng Narciso Aramil Command na umaaligid na sa bayan ng Rodriguez, ang lugar na kadalasang binababaan ng mga rebelde para makalapit ang mga ito sa National Capital Region (NCR).
Nakatanggap ng intelligence report ang tanggapan ni Rizal Provincial Police Command P/Sr. Supt. Carlito Dimaano na sasalakay anumang oras sa nasabing lalawigan ang mga rebeldeng komunista.
Partikular na target ng pagsalakay maliban sa bayan ng Rodriguez ay ang Jala-Jala, Pililia, Morong at iba pang karatig pook.
Kaugnay nito, minaliit naman ni P/Sr. Inspector Anastacio Benzon, hepe ng Rodriguez police ang intelligence report na ang kaniyang himpilan ang mas target na salakayin ng mga rebelde.
Nabatid na kabilang sa mga lugar na pinamumugaran ng mga rebelde sa bayan ng Rodriguez ay ang Brgys. Panabut, Puray, Mascap, San Isidro at San Rafael.
Samantala, nagsasagawa na rin sila ng pakikipagkoordinasyon sa mga kinatawan ng Non Government Organization (NGOs) at Local Government Units upang paghandaan ang posibleng pag-atake ng mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)