^

Probinsiya

Pagsabog sa Zamboanga gawa ng suicide bomber

-
Pinaniniwalaang kagagawan ng suicide bomber na may kaugnayan sa teroristang Abu Sayyaf at mga lost command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang naganap na pagsabog sa videoke bar na ikinasawi ng dalawang Pinoy at sundalong Amerikano, kamakalawa ng gabi sa Malagutay, Zamboanga City.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. General Eduardo Purificacion na bukod kina Marlon Tuballa at US Special Forces Master Sgt. Mark Jackson, isa pang Pinoy ang nasawi na pinaniniwalaang nagtanim ng bomba na si Bernard Limbo.

Si Limbo, 33, tubong Dipolog City ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Malaysia at pabalik na sana sa naturang bansa nang maganap ang pagsabog.

Ayon sa ilang saksi, nakita nila si Limbo na may ilang metro ang layo sa motorsiklo na kinabitan ng bomba bago ito sumambulat.

Kasalukuyang nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang AFP-Intelligence Service ukol sa posibleng kaugnayan ni Limbo sa grupo ng terorista ni Osama Bin Laden.

Kaugnay nito, apat na imbestigador mula sa US Embassy ang dumating kahapon sa Zamboanga City upang magsagawa ng kanilang hiwalay na imbestigasyon sa naganap na pagsabog.

Inilipad naman kahapon patungo sa Kadena Airbase sa Okinawa, Japan ang bangkay ni Jackson bago tuluyang dalhin sa Amerika.

Tinatayang aabot sa 21 pang katao ang malubhang nasugatan sa pagsabog malapit sa itinayong kampo sa naturang lungsod. Kasunod nito, kinundena naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang naganap na pangyayari. (Ulat nina Danilo Garcia at Ely Saludar)

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BERNARD LIMBO

DANILO GARCIA

DIPOLOG CITY

ELY SALUDAR

GENERAL EDUARDO PURIFICACION

INTELLIGENCE SERVICE

KADENA AIRBASE

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with