Bus hulog sa bangin; 4 patay, 15 grabe
October 4, 2002 | 12:00am
TERNATE, Cavite Apat katao ang kumpirmadong namatay, samantala, labinlima pang iba ang malubhang nasugatan makaraang mahulog sa malalim na bangin ang sinasakyang tourist bus ng mga biktima kahapon ng umaga sa Sitio Kaylaso, Brgy. Sapang 1 sa bayang ito.
Nasawi sa trahedya sina Eduardo Noveloso, 46, ng Novaliches, Q.C.; Dominador Medina, 50, ng San Pedro, Laguna; Raymundo Onorio at Romulo Faragas na kapwa taga-Las Piñas.
Samantala, ginagamot naman sa San Lorenzo at Naic Doctors Hospital sina Ismael Aguda, driver ng bus; Jojo Alino, Maria Paz Decuycuy, Amday Chome, Mercado Risaros, Zenny Dimateryo, Arturo Yee, George Enriquez, Roberto Miel, Henry Tirana, Marcelino Soliman, Marcelino Gangdelino, Lauro Sunchuangco, Jet Darandilao at Dionisio Fajardo na pawang mga empleyado ng Uniliver Phils.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Pepito Patricio, hepe ng pulisya sa bayang ito, lulan ng Warner Transport Tourist Bus (PYW-105) ang mga biktima patungo sa Caylabne beach resort sa idaraos na conference.
Tumatahak ang bus sa kurbadang kalsada ng biglang mawalan ng kontrol ang manibela ng bus kaya sinalpok ang konkretong pader bago bumulusok sa may 50 lalim na palampakang bangin dakong alas-8:45 ng umaga kaya naganap ang malagim na trahedya. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest