^

Probinsiya

Ina pinatay sa gulpi ng anak na adik

-
TRECE MARTIREZ CITY, Cavite – Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang ina makaraang gulpihin at paluin ng kahoy ng sariling anak na adik dahil sa pagtanggi ng una na magbigay ng pera na pambili nito ng droga kahapon ng umaga sa Brgy. De Ocampo sa lungsod na ito.

Ang bangkay ng biktima na natagpuan sa creek na wasak ang mukha ay nakilalang si Violeta Camaclang, 56, samantala, ang suspek na mabilis namang nadakip ay nakilalang si Romeo Camaclang, 30, binata at kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Cornelio Bugayong, naitala ang krimen dakong alas-9 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-ina sa naturang lugar.

Napag-alaman sa impormasyong nakalap ng pulisya na humihingi ng pera ang suspek sa ina upang may pambili ng droga ngunit tumanggi ang biktima at sinermunan pa ang anak na adik na itigil na ang bisyo.

Ilan sa mga kapitbahay ng mag-ina ang nakasaksi sa pangyayari na sinigawan ng suspek ang kanyang ina hanggang sa nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa saka bumaba ng bahay ang suspek.

May palagay ang pulisya na binalikan ng suspek ang kanyang ina saka pinatay sa gulpi bago itinapon sa creek.(Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CORNELIO BUGAYONG

CRISTINA GO-TIMBANG

DE OCAMPO

ILAN

INA

MALAGIM

ROMEO CAMACLANG

VIOLETA CAMACLANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with