^

Probinsiya

14 anyos na NPA naaresto

-
Isang grade 5 pupil na hinihinalang miyembro ng New Peoples Army (NPA)ang naaresto kamakalawa ng mga elemento ng Philippine Army sa Paluig, Zambales.

Nabatid sa ulat mula sa tanggapan ni Sr. Supt. Conrado Briton, Officer In-Charge (OIC) ng Central Luzon Police na ang nadakip ay kinilalang si Barge de Belen (di tunay na pangalan) 14-anyos at estudyante ng Mangahan Elementary School ng bayang ito.

Sinabi ni Briton na ang pinagsanib na puwersa ng Zambales police at army troopers ang siyang responsable sa pagkakaaresto sa suspek base na rin sa intelligence report na nakarating dito.

Nabatid na ang suspek ay naaktuhan na may dala-dalang M-14 armalite rifle, seven magazines at 85 rounds ng ammunition na pawang nakasilid sa loob ng bag.

Inamin naman ng suspek na siya ay regular na miyembro ng CPP/NPA nang ito ay tanungin ng mga government troopers.

Kasalukuyang sumasailalim sa isang tactical interrogation ng 24th Army Infantry Battalion headquarters sa Barangay Bulawen, Paluig town. (Ulat ni Ric Sapnu)

ARMY INFANTRY BATTALION

BARANGAY BULAWEN

CENTRAL LUZON POLICE

CONRADO BRITON

MANGAHAN ELEMENTARY SCHOOL

NABATID

NEW PEOPLES ARMY

OFFICER IN-CHARGE

PALUIG

PHILIPPINE ARMY

RIC SAPNU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with