Sanggol na kapapanganak pa lang dinukot
September 28, 2002 | 12:00am
Isang bagong silang na sanggol ang iniulat na dinukot sa Baguio General Hospital and Medical Center ng isang babaeng suspek na nagpanggap bilang kawani ng nasabing pagamutan, ayon sa ulat dito kahapon.
Isang manhunt ngayon ang isinasagawa ng Baguio City Police upang madakip ang suspek na binansagang Miss X base na rin sa pagkakalarawan ng ina ng dinukot na sanggol na si Dominga Wadwadan, 29 at residente ng Barangay Pinget.
Sinabi ni Wadwadan na hindi mapaghihinalaan ang suspek dahil sa nakauniporme pa ito na parang isang pediatrician at may nakakwintas pa ditong stethoscope.
Nagsimulang maghinala ang ina ng bata na nawawala ang kaniyang anak nang hanapin niya ito at walang madalang sanggol sa kanyang tabi.
Lumilitaw sa isang follow-up investigation na ang suspek ay sumakay pa ng taxi na minamaneho ng isang nagngangalang Rolando Duquitan.
Sinabi naman ni Duquitan na inutusan siya ng suspek habang dala ang sanggol na dalhin sila sa Alfonso Tabora, ngunit nang marating nila ang Trancoville ay nagbago ang isip ng suspek at nagpahatid na lamang sa Evangelista St., kung saan bumaba ito sa isang madilim na lugar. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest