Ang mag-asawang pinatay ay nakilalang sina Salvador, 67, at Loyola Trelles, 71, kapwa negosyante na pinagnakawan pa ng mamahaling alahas at cash saka nagsitakas ang mga mandurugas matapos isagawa ang krimen dakong alas-8 ng gabi.
Ayon sa pulisya, bago pa mangyari ang krimen ay dinalaw pa ng mga anak ang mag-asawa na pinalalagay na nakakuha ng pagkakataon ang mga mandurugas na pasukin ang bahay ng dalawa.
May teorya ang pulisya na matagal nang tinitiktikan ang mag-asawa at may posibilidad na kakilala ang mga suspek dahil sa hindi winasak ang pintuan sa harapan ng bahay nang pumasok ang mga ito.(Ulat ni Ed Casulla)