^

Probinsiya

3 paslit patay sa flashflood

-
DOLORES, Quezon Tatlong paslit kabilang na ang magkapatid ang iniulat na nasawi sa flashflood na naganap sa dalawang barangay sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Erwin Briones, 7, ng Brgy. Sta. Lucia at ang magkapatid na sina Angelica, 9 at Jennalyn Lontoc, 12, ng Brgy. Pinagdanglayan.

Base sa ulat ni Municipal Environment Officer (MENRO) Manuel Calayag, naganap ang pangyayari bandang alas-dos ng hapon.

Si Briones ay tinangay ng tubig-baha matapos na lumambot at lumubog ang inaapakan nitong lupa.

Natagpuan ang bangkay ni Briones sa ilog ng Lagnas sa Brgy. Poblacion.

Samantala, si Angelica ay nahulog sa ilog at sinikap na sagipin ng kanyang utol na si Jennalyn ngunit biglang gumuho rin ang inaapakan nitong lupa kaya kapwa tinangay ng tubig-baha.

Pinaniniwalaang mga illegal loggers na nagsasagawa nang pamumutol ng punong-kahoy sa Mt. Banahaw ang naging sanhi upang magka-flashflood sa nabanggit na bayan. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BRGY

BRIONES

ERWIN BRIONES

JENNALYN

JENNALYN LONTOC

MANUEL CALAYAG

MT. BANAHAW

MUNICIPAL ENVIRONMENT OFFICER

SI BRIONES

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with