^

Probinsiya

Minero patay sa iligal na minahan

-
BUENAVISTA, Quezon – Isang minero ang nakuryente at namatay sa loob ng tunnel ng iligal na minahan sa Brgy. Bulo sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ni Konsehal Rey Recto ng Buenavista ang biktima na si Rodrigo Renieva, may sapat na gulang at residente ng nasabing lugar.

Ibinunyag ng konsehal na ito ay ika-apat na sa namatay sa loob ng tunnel, ang naunang tatlo ay mga na-suffocate at pawang mga taga-Labo, Camarines Norte.

Ayon pa kay Recto, ang mining plant na ito ay pag-aari ng magkapatid na Ben at Emiliano Uri, na nagsimula ang operasyon noong October 1998 at walang environmental compliance certificate at mining permit.

Ipinasara na ito at pinagmulta ng P50,000 ni Department of Environment and Natural Resources Regional Executive Director Vicente Paragas.

Tumigil lamang ito ng isa’t kalahating taon pero ngayon ay nagpapatuloy uli ng operasyon.

Nababahala ang mga residente na dahil nasa itaas na bahagi ang planta at ang tailings nito na may nakalalasong kemikal ay tuluy-tuloy na dumadaloy sa kanilang barangay.

Napag-alaman pang natutuyo ang kanilang mga lupang taniman at hindi na ito mabuhayan ng halaman, dagdag ng konsehal. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

AYON

BRGY

BUENAVISTA

BULO

CAMARINES NORTE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES REGIONAL EXECUTIVE DIRECTOR VICENTE PARAGAS

EMILIANO URI

KONSEHAL REY RECTO

RODRIGO RENIEVA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with