Obrero tinodas dahil sa yosi
September 19, 2002 | 12:00am
TALAVERA, Nueva Ecija Isang 32-anyos na obrero ang iniulat na napatay makaraang saksakin ng kapwa trabahador dahil sa pagtangging magbigay ng sigarilyo ng biktima sa Brgy. San Pascual sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay sa Dr. Paulino J. Garcia Extension Hospital ang biktimang si Frankie C. Marcos, binata, samantala, ang suspek na lango pa sa alak nang madakip ay nakilalang si Samuel R. Dimos, 36, kapwa trabahador sa Palileo rice mill.
Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Peter Torres, hepe ng Talavera police station, namataan ng suspek ang biktima na naninigarilyo at pasuray na lumapit upang humingi ngunit tinanggihan ang pakiusap ng suspek kaya naisagawa ang krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest