MMDA traffic enforcer tinaga sa mukha, todas

ANTIPOLO CITY – Isang aktibong kasapi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer ang kumpirmadong nasawi makaraang itakin ng dalawang beses sa mukha ng hindi nakilalang lalaki sa sariling bahay ng biktima kamakalawa ng hapon sa Sitio Sapinit, Brgy. San Juan ng lungsod na ito.

Nabiyak ang mukha ni Marvin Benas, 32, binata at residente ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na pinaniniwalaang motorista na nasita ng biktima sa paglabag sa trapiko ay pansamantalang hindi nabatid ang pangalan.

Sa imbestigasyon ng pulis-Antipolo, naganap ang krimen dakong alas-3:15 ng hapon matapos na magtungo ang suspek sa bahay ng biktima saka nagkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong sa krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments