Nakilala naman ang mga biktimang sina Baylan Magakhia, Fred Nathan, Brett Mashiem na pawang taga- New Zealand; mag-asawang sina Tiger at Kris Lee na taga-Australia at ang nagsilbing tourist guide na sina Michelle Afable at Antonio Villanueva.
Dalawa sa mga rebelde ay nadakip ng mga tauhan ni P/Sr. Supt. Arnulfo Espiritu, Laguna PNP provincial director at nakilalang sina Larry Ferrer, 29, ng Teodoro St., Brgy. Poblacion Uno, Sta. Cruz, Laguna at Oscar Lacbay, 41, ng Brgy. Maytalang Uno, Lumban, Laguna.
Napag-alaman na ang dalawa ay confidential agent ng NBI na ngayon ay nakakulong sa Pagsanjan police station.
Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Napoleon Cachuela, kinidnap ang mga biktima bandang alas-10:40 ng umaga sa tinutuluyang Rapid Hotel sa nabanggit na lugar.
Kaagad namang naipagbigay-alam ng head waiter na si Steve Bombay sa mga awtoridad ang pangyayari na nasaksihan niyang isinakay ang mga biktima sa Isuzu Highlander na kulay maroon (WLE-601) at ang dalawang Pinoy ay isinakay naman sa van (THH-861) patungo sa direksyong Maynila.
Napag-alaman pa sa ulat, nasabat ng pulisya ang dalawang sasakyang lulan ang mga biktima kasama sina Ferrer at Lacbay sa Pila, Laguna dakong alas-2 ng hapon.
Sa nakalap na impormasyon ng PSN, pinalabas lamang na legal na operasyon ng NBI ang naganap na kidnapping.(Ulat ni Ed Amoroso)