^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa chief of police sumuko

-
BATANGAS CITY — Matapos ang 22-araw na pagtatago sa ilalim ng batas ay nagdesisyong sumuko ang pangunahing suspek sa pagpatay sa Sablayan chief of police kay Batangas City Mayor Eddie Dimacuha kamakalawa ng hapon, ayon sa ulat ng pulisya.

Si Agripino Guevarra, alyas Boy ng RK Subd., Brgy. Kumintang Ibaba ay payapang sumuko kay Mayor Dimacuha makaraang bigyan siya ng kasiguruhan laban sa mga nagbabanta sa kanyang buhay.

Kaagad namang ipinagbigay-alam ni Mayor Dimacuha ang pagsuko ni Guevarra kay P/Sr. Supt. Rolando Lorenzo, Batangas PNP provincial director.

Sinabi ni Dimacuha na personal na alitan ang namagitan kay Guevarra at Sablayan chief of police at walang kaugnayan sa politika na unang napaulat kaya hinikayat siyang sumuko upang harapin ang naganap na krimen noong Agosto 24, 2002.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na si Guevarra ay personal driver ng pinsan ni Mayor Dimacuha na si Jun Dimacuha. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

AGOSTO

ARNELL OZAETA

BATANGAS CITY MAYOR EDDIE DIMACUHA

GUEVARRA

JUN DIMACUHA

KUMINTANG IBABA

MAYOR DIMACUHA

ROLANDO LORENZO

SABLAYAN

SI AGRIPINO GUEVARRA

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with