Sinabi ni Col. Ernesto Boac, 402nd Army Brigade commander, ipinaabot ang mensahe sa kahilingan ng mga kidnaper sa lokal na officials na tumatayong crisis management team.
Subalit hindi naman kinumpirma ni Col. Boac ang ulat dahil sa naka-concentrate ang kanilang operasyon sa pagsagip sa mga biktima.
Bineberipika rin ni Col. Boac kung may kaugnayan ang mga kidnaper sa grupo ng sindikato ng kidnap-for-ransom (KFR) na may modus operandi sa Central Mindanao.
Ang mga kidnaper na dating security personnel ng MSU ay kasalukuyang bihag sina Salvacion Mikken, 55, Luzville Serate Castillon, 53, Emma Cara-an Manzano, 43 at Editha Bontilao, 50.
Tatlo sa limang suspek sa pagdukot ay nakilala sa alyas na sina Abulkhair, Jamil at Samad Ali.
Isinagawa ang krimen noong Biyernes, Setyembre 13, 2002 habang ang mga biktima ay sakay ng pampasaherong dyip sa Brgy. Tuka, Marawi City bandang alas-tres ng hapon bago dinala sa bayan ng Lumbayanague sakay ng bangkang-de-motor.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng dragnet operation ang mga tauhan ni Col. Boac sa mga bayan ng Lumbayanague, Masiu at Lumbatan na pinaniniwalaang ikinalat ng mga kidnaper ang kanilang bihag.(Ulat ni Roel Pareño)