P2-M payroll tinangay ng mga holdaper
September 11, 2002 | 12:00am
ROSARIO, Cavite Tinatayang aabot sa halagang P2-milyong payroll ang naholdap sa apat na empleyado ng malaking kompanya ng anim na hindi kilalang armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo at kotse sa kahabaan ng General Trias Drive sa bayang ito kahapon.
Kinilala ng pulisya ang mga naholdap na biktima na sina Grace de Leon, 27; Lilibeth Bueja, 22; Guillermo Pueblo, 24 at Bernabe Lumbre, 42, driver ng Starex van na pawang manggagawa ng SB Technology sa EPZA, Rosario, Cavite.
Batay sa ulat ni SPO4 Raul Bayan, nakasakay ang mga biktima sa van mula sa bangkong pinagkunan ng malaking halaga at bumabagtas sa kahabaan ng nabanggit na highway nang harangin ng mga holdaper na sakay ng abuhing Toyota Corolla (PEX-143) at tatlong motorsiklo.
Walang nagawa ang drayber ng Starex van (WPM-102) na si Lumbre kundi ang huminto habang nagsibaba naman ang mga holdaper sabay tinutukan ang mga biktima at kinuha ang dalang payroll na suweldo ng kanilang mga manggagawa sa kompanya.
May palagay ang mga imbestigador na natiktikan ang mga biktima na nag-withdraw ng malaking halaga at sinisilip din ang angulong inside job. (Ulat ni Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest