Jueteng lord nalambat
September 11, 2002 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Special Task Force ng Bulacan Police Provincial Office ang tinaguriang jueteng lord sa isinagawang entrapment sa loob ng kainan sa Barangay Malhacan, Meycauayan, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Si Jojo Tolentino, 40, may-asawa, kontratista ng San Diego St., Valenzuela City ay naaktuhan dakong alas-9 ng gabi sa Renatos Restaurant na iniaabot ang P4,000 kay SPO4 Romeo Suarez bilang kapalit na maipagpapatuloy ang operasyon ng jueteng sa bayan ng Meycauayan, Obando, Marilao, Bocaue, Bulacan.
Si SPO4 Suarez ay team lider na nagsasagawa ng mga raid sa mga lugar na pinaniniwalaang binobola ang sugal na jueteng kaya nagpanggap na nakipagkasunod ang pulis kay Tolentino.
Naniniwala naman si P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, Bulacan PNP provincial director na magiging jueteng free province ang Bulacan matapos na magkasundong lagdaan noong Sept. 8, 2002 ng 24 na alkalde, ibat ibang sektor ng relihiyon at libu-libong residente na makikipagtulungang masugpo ang sugal na jueteng sa kanilang lalawigan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest