Mag-asawa pinatay ng pamangkin

Walang awang pinaslang ang isang mag-asawa ng kanilang sariling pamangkin matapos magtalo ukol sa hatian ng bayad sa ibinentang lupain nila dito sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Natagpuan ng mga kapitbahay ang mag-asawang sina Leopoldo at Milagros Necesario na naliligo sa kanilang bahay sa Brgy. Camagong, Nasipit ng nasabing lalawigan.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang suspek na kanilang pamangkin na nakilalang si Dante Tapare,25 ng

Brgy. Caloc-an, Magallanes na tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa ulat ng pulisya, bago ang insidente na naganap noong Biyernes ng gabi ay nabatid na nagtalo ang suspek at ang lolo nito na si Benjamin Galera sa loob ng opisina ng Department of Agrarian Reform (DAR), Butuan City.

Dito umano dumating ang mag-asawa at nakisali sa pagtatalo sa hatian ng ibinayad sa kanila sa pagbebenta ng kanilang lupain sa Brgy. Caloc-an.

Walang kinauwiang maganda ang naturang pagtatalo hanggang sa magsiuwian na lamang ang mga ito.

Kinagabihan ay nagtungo ang suspek sa bahay ng mag-asawa at dito isinagawa ang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments