Sinabi ni Army Spokesman Capt. Constancio Espina na aabot sa 41 pamilya mula sa Barangay Higasaan, Calbayog City, Samar at 9 namang pamilya sa bayan ng Villaba, Leyte ang humingi na ng tulong sa tropa ng militar upang protektahan sila sa patuloy na pangliligalig ng mga rebelde.
Isiniwalat naman ni Higasaan Barangay Chairman Leopoldo Fernando na malimit na bumisita ang mga kasapi ng makakaliwang grupo sa mga bahay-bahay upang puwersahang mangikil ng buwis at kapag walang maibigay ay kukunin ang mga alagang hayop.
Dahil sa matinding takot sa mga rebelde ay nagdesisyong lumikas ang mga residente at lumipat sa kanilang malapit na kamag-anakan sa ibang bayan. (Ulat ni Ricky J. Bautista)