^

Probinsiya

50 pamilya niligalig ng NPA rebels

-
CATBALOGAN, Samar – Limampung pamilya ang lumikas mula sa kanilang tirahan sa dalawang sitio sa Eastern Visayas dahil sa pangliligalig ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), ayon sa militar.

Sinabi ni Army Spokesman Capt. Constancio Espina na aabot sa 41 pamilya mula sa Barangay Higasaan, Calbayog City, Samar at 9 namang pamilya sa bayan ng Villaba, Leyte ang humingi na ng tulong sa tropa ng militar upang protektahan sila sa patuloy na pangliligalig ng mga rebelde.

Isiniwalat naman ni Higasaan Barangay Chairman Leopoldo Fernando na malimit na bumisita ang mga kasapi ng makakaliwang grupo sa mga bahay-bahay upang puwersahang mangikil ng buwis at kapag walang maibigay ay kukunin ang mga alagang hayop.

Dahil sa matinding takot sa mga rebelde ay nagdesisyong lumikas ang mga residente at lumipat sa kanilang malapit na kamag-anakan sa ibang bayan. (Ulat ni Ricky J. Bautista)

ARMY SPOKESMAN CAPT

BARANGAY HIGASAAN

BAUTISTA

CALBAYOG CITY

CONSTANCIO ESPINA

EASTERN VISAYAS

HIGASAAN BARANGAY CHAIRMAN LEOPOLDO FERNANDO

NEW PEOPLE

RICKY J

SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with